Bumuhos ang mga mensahe ng suporta, dasal, at pagmamahal mula sa mga tagahanga at tagasubaybay para sa content creator na si Sir Geybin matapos ibahagi ng kaniyang pamilya ang pinagdaanan niya na naging dahilan ng kanyang pagkakaospital.
Sa vlog ng Capinpin Brothers, ikinuwento ng mga kapatid ni Sir Geybin na si Allen at Kelzy Capinpin, kasama na ang longtime partner nitong si Elma Asagra o "Mam Elma," na nagulat sila nang makita siyang nahihirapang huminga at tila naninigas ang katawan habang nasa kanilang bahay.
Agad nila itong isinugod sa ospital upang mabigyan ng agarang atensyong medikal.
Ayon sa mga nurse na tumingin sa kaniya, nakaranas umano si Sir Geybin ng hyperventilation, dahil sa kakulangan ng carbon dioxide sa katawan. Sumailalim din siya sa ilang pagsusuri upang matukoy ang iba pang posibleng dahilan ng kaniyang kondisyon.
Mas naging emosyonal ang mga tagasubaybay nang ibahagi ng longtime partner niyang si Mam Elma na marami umanong dinadala at iniisip si Sir Geybin sa mga nakalipas na buwan. Kabilang dito ang responsibilidad bilang haligi ng pamilya matapos ang pagpanaw ng kanilang amang si Peddy Capinpin at iba pang personal na pressure na kaniyang kinakaharap.
Matatandaang nakilala si Sir Geybin bilang isa sa mga pangunahing personalidad ng Capinpin Brothers, isang pamilya ng content creators na milyon-milyon ang followers sa social media dahil sa kanilang nakakaaliw at makabuluhang family-oriented content. Noong 2024, naging laman din sila ng balita matapos regaluhan ang kanilang inang si Mama Beth ng tatlong bagong bahay sa Cabanatuan City bilang birthday at Christmas gift.
Samantala, umapaw ang suporta ng netizens sa comment sections ng kanilang mga social media pages. Marami ang nagpaabot ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Sir Geybin at nagpahayag ng pasasalamat sa saya at inspirasyong naibibigay nito sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga video.
Dahil dito, muling nabuksan ang isyu ng pagiging "breadwinner" at "head of the family" ng mga panganay na anak sa pamilya.
"Wala kasing Kuya ang Kuya...praying for you Ser Geybin."
"Wala ring ate si ate!"
"Who agrees here not to mandate Ser Geybin na mag post ng vlog araw araw? Ayos lang naman siguro sating mga fans kahit thrice a week or once a week na nga lang, bsta wag na araw araw para naman may pahinga sila. Yes, we are entertained but health nila ang nalalagay sa risk kaya ayos lang naman siguro satin if bawasan na lang nila ang pag post para may pahinga naman sila. It's their health who put into risk just for us to be entertained."
"This is a gentle reminder that no matter how successful, wealthy, or influential a person becomes, tao pa rin tayo at may hangganan din ang ating kakayahan. Minsan, anxiety comes when we carry burdens that were never meant for us to carry alone, especially when we feel like we need to control everything and be strong for everyone."
"A gentle reminder to be kind to your eldest brother, kasi walang kuya si kuya."
"Yung pressure as a leader sa camp and sa family and yung pressure as a boyfriend andun. Ramdam na ramdam niya. Pahinga lang bounce back. Di mo kelangan maging malakas all the time kelangan mo lang is time para magpahinga and tignan mo ang paligid mo. Di purket nakatingin ka sa dulo di mo na titignan yung nasa paligid mo. Hinga lang. Laban. Kasama sa hamon ng buhay yan. God bless. Bounce back!"
"Just scrolling and came across this video. I'm not even a fan, but can we all read the room for a second? It clearly wasn't a prank, nor did it seem like some setup for a proposal or a plot twist later on. Mental health is a serious matter, and not everything should be turned into a joke or a subject of speculation. Please choose kindness. You never truly know what someone is going through. Be kind."
Sa kabila ng pinagdadaanan, tiniyak ng pamilya Capinpin na patuloy silang lalaban at mananatiling matatag. Humiling naman sila ng dasal para sa tuluyang paggaling ni Sir Geybin habang nagpapasalamat sa walang sawang suporta ng kanilang mga tagasubaybay.
Maki-Balita: Sir Geybin, isinugod sa ospital; nakatulala, nahirapang huminga, nanigas ang katawan!