LEGAZPI CITY - Kinondena ng Police Regional Office in Bicol (PRO-Region 5) ang pananambang ng grupo ng New People's Army (NPA) sa tropa ng gobyerno na aaresto sana sa dalawang lalaking wanted sa San Miguel, Catanduanes nitong Martes, Pebrero 1 na ikinasawi ng isang pulis.

“Mariin naming kinokondena ang pananambang sa ating mga kasamahan sa San Miguel, Catanduanes kaninang umaga. Ito ay isang kasuklam-suklam na pangyayari at nagpapakita lamang ng karuwagan at kawalang paggalang sa awtoridad. Ang ating mga pulis ay naroon lamang upang gampanan ang kanilang mga tungkulin na ipatupad ang batas,” pagdidiin ni Brig. Gen. Jonnel Estomo nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Estomo ang napatay na si Senior Master Sergeant John Teston, nakatalaga sa San Miguel Police Station.

Aniya, lumusob ang grupo ni Teston, kasama ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company sa Sitio Tucao, Barangay BMA upang arestuhin sana ang dalawang dalawang most wanted person ng lalawigan nitong Pebrero 1 ng umaga nang maganap ang pananambang ng mga tauhan ng NPA.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

“The police operatives were about to serve the warrant of arrest against two top provincial most wanted persons with 25 counts of rape and violation of PD (Presidential Decree) 705 (Forestry Reform Code of the Philippines). Sad to say, the police operatives did not get them and when they are about to withdraw in the area, they were attacked by more or less 15 rebels,” ayon naman kay Major Malou Calubaquib, spokesperson ng PRO-5.

Nagawa pa aniyangmakipagbarilan ng mga pulis hanggang sa umatras ang mga rebelde.

“As part of the directives of Brig. Gen. Estomo, troops from Catanduanes PPO, and 83rd Infantry Battalion were deployed to the area to ensure the safety of the other policemen. After the rescue operation, the other five policemen were rescued in the house of the barangay captain,” ayon kay Calubaquib.

Bago tumakas ang mga rebelde, tinangay pa nila ang cellphone, pitaka, kopya ng warrant of arrest at service firearm ng napatay na pulis.

Patuloy pa ring tinutugis ng pulisya at militar ang mga rebeldeng nasa likod ng pananambang.