May nilinaw si Sen. Kiko Pangilinan hinggil sa naging pag-ugong ng pangalan ni Sen. Chiz Escudero hinggil sa panunumbalik niya bilang Senate President.
Sa panayam ng isang news program kay Pangilinan nitong Lunes, Mayo 25, 2026, tahasang iginiit ni Pangilinan na hindi na ginatungan ng minority bloc ang alok ni Escudero na mailuklok muli siyang Pangulo ng Senado at patalsikin ang kasalukuyang liderato ng Senado.
"There were discussions, intermediaries, but not Senator Chiz himself," ani Pangilinan.
Dagdag pa niya, "Immediately, hindi na pinalaki pa dahil solid yung 11. Hindi acceptable proposition na yun."
Matatandaang umingay ang muling pagkukudeta sa Senado, ilang araw matapos mailuklok sa pagka-Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano noong Mayo 11.
Kaugnay nito,nilinaw naman ng Senate minority bloc na si Sen. Win Gatchalian ang itinutulak na nilang maging Senate President. Nananatiling manipis ang pagitan ng bilang ng mayorya at minorya ng Senao sa bilang na 13-11.
"In fairness to former Senate President Sotto, he was the one who suggested Win as a compromise candidate for us in the Senate to break the impasse," paglilinaw pa ni Sen. Pangilinan.
Aminado naman si Sen.Vicente “Tito” Sotto III na siya ang pasimuno na pisilin ang pangalan ni Sen. Win bilang bagong Senate President.
“I was asked why I have been silent re: Senate leadership... wrong! I was the one who brought out the idea of making Sherwin as SP!,” ani Sotto.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Sotto, aminadong siya nagtutulak maging SP si Sen. Gatchalian
Kung sakaling muling magkaroon ng kudeta sa Senado, ito na ang magiging ikalimang pagkakataon at ikalimang Senate President magmula ng magsimula ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong 2022.