Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga ospital, laboratoryo, at local government unit na itapon nang maayos ang kanilang medical wastes upang hindi kumalat pa nang husto ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang sakit.

“Pinapaalalahanan natin ang ating mga laboratories, hospitals, local governments, please dispose of your medical wastes properly kasi 'pag hindi natin ginawa 'yan, maaari pang kumalat ang ibang sakit dito sa ating bansa," pagdidiin niDOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules ng gabi.

“Meron tayong mga batas na sumasaklaw sa mga ganitong violations, meron ding polisiya to guide you on what you are supposed to do regarding these medical wastes,” banggit nito.

Reaksyon ito ni Vergeire kasunod na rin ng naiulat na nahawaan ng COVID-19 ang pitong bata sa Catanduanes matapos paglaruan ang mga medical waste kamakailan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nauna nang naiulat ngWorld Health Organization (WHO) na napakalaking banta sa kalusugan ang libu-libong tonelada ng medical waste na ginamit mula sa paglaban sa pandemya ng COVID-19 sa buong mundo kaya kinakailangang maisaayos at mapabuti pa ng tamang pamamahala nito.

“It is absolutely vital to provide health workers with the right PPE (personal protective equipment),“ paglalahad ni WHO Health Emergencies Programme Executive Director Dr. Michael Ryan.

Analou de Vera