May 25, 2026

Home BALITA Politics

'Solid pa rin kaming 11!' Minority bloc, tutok sa mga panukalang batas, impeachment trial

'Solid pa rin kaming 11!' Minority bloc, tutok sa mga panukalang batas, impeachment trial
Photo courtesy: Senate of the Philippines/YT


Mariing iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na nananatiling solido ang minority bloc ng Senado, na kasalukuyan ay mayroong 11 miyembro.

Sa press conference na pinangunahan ni Sen. Risa nitong Lunes, Mayo 25, ibinahagi rin niya ang mga bagay na binibigyang-pansin ng minorya, kasabay ang pagsiwalat na wala pa umanong nadadagdag sa kanilang bilang upang sila ay bumalik bilang mayorya.

“Solid pa rin kaming labing-isa sa minority,” saad ni Sen. Risa.

Aniya, “Sa ngayon, wala pa pong naidadagdag kaya kami sa minority ay nakatututok talaga doon sa…well, panunumbalik ng pagtingin ng ating mga kababayan sa atin, sa Senado; at pagpapatuloy ng mga trabaho namin—sa pagsulong ng mga panukalang batas, pagsagawa ng mga imbestigasyon sa mga resolusyon, in a few months paggawa ulit ng budget, at dahil nanumpa na kami bilang mga senator-judges, ‘yong impeachment trial.”

Sa parehong press conference, napag-usapan din ang umuugong na pagtulak kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian bilang pangulo ng Senado.

Ani Hontiveros, ito raw ay makabubuti sa Senado kung sakaling maging senate president nga si Gatchalian.

“Well, kung maging senate president si Senator Sherwin, that would be good for the Senate. Magka-batch kami, so isang dekada ko na siyang nakakatrabaho at saka naoobserbahan, napakaseryosong legislator,” saad ni Sen. Risa.

MAKI-BALITA: 'That would be good for Senate!' Sen. Risa, aprub kung maging SP si Sen. Win-Balita