Nasa kamay na ng mga local government units (LGUs) ang paghihigpit sa paglabas ng mga hindi pa bakunado sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Sinabi ni acting presidential Spokesman Karlo Alexi Nograles, malinaw ang guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kailangang may pinagtibay na ordinansa ang mga LGUs para sa pagkontrol sa galaw ng mga wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Layunin aniya ng paghihigpit na maprotektahan ang mga ito na huwag mahawa ng COVID-19.

Simula sa Pebrero 1 hanggang Pebrero 15 , nasa ilalim na ng alert level 2 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Batanes, Biliran, Southern Leyte at Basilan.

Presyo ng produktong petrolyo, muling sisipa isang linggo bago mag-Pasko!

Beth Camia