Nakisali na rin sa hype ang award-winning actor na si John Arcilla matapos niyang gayahin ang hit at trending na unang TikTok video entry ng Kapamilya star na si Joshua Garcia, sa saliw ng 'Ginseng Strip 2002'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/22/tiktok-video-ni-joshua-garcia-kinakiligan-pinagsamang-alden-at-jlc/

Game na game naman si 'Heneral Luna' at pabirong humiling pa sa kaniyang followers na siya naman ang paabutin ng 100 million views.

"Tatay naman ni Joshua ang pahandred milyunin n’yo ah,” caption ni John sa kaniyang TikTok video.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa TikTok (John Arcilla)

Screengrab mula sa TikTok (John Arcilla)

Screengrab mula sa TikTok (John Arcilla)

Screengrab mula sa TikTok (John Arcilla)

Sa kasalukuyan ay umabot na ng 1.4M views, 252.6K likes at 8,451 comments ang TikTok video ng premyadong aktor. Aliw na aliw naman ang mga follower niya.

"Negosyo kalayaan, bayan, sarili o TikTok? Pumili ka!”

"Galing mo idol ko… kahit hindi ka seryoso pero interesting pa rin tingnan… Sending love! Ingats idol everyday."

"Pashnea Hagorn kailan season 2 ng Encantadia? Naka-10x na akong ulit kakapanood sa Encantadia di nakakasawa."

"Sir yung nakahoodie naman pooooo."

"Kay Heneral na po ako. Haba ng pila kay Joshua eh."

"Joshua, kabahan ka na! Daddy version na kami haha."

TikTok video ni Joshua Garcia, kinakiligan; pinagsamang Alden at JLC?
Joshua Garcia (Larawan mula sa TikTok/Balita Online

Ibinahagi rin niya sa TikTok ang kaniyang pa-tribute kay Megastar Sharon Cuneta nang awitin niya ang 'Bituing Walang Ningning' kasama ang 'FPJ's Ang Probinsyano' co-star na si Tirso Cruz III. Mapapanood pa rin si John sa naturang teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.