Natimbog ng mga awtoridad ang isang 41-anyos na lalaki matapos umanong bentahan iligal na droga ang isa sa mga pulis sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas City, kamakailan.

Si Abdullah Pasandalan, taga-Port Area sa Maynila ay hindi na nakapalag sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas City Police matapos mahulog sa kanilang bitag nitong Biyernes ng umaga, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Kumpiskado sa suspek ang 103 gramo ng shabu, marked money, drug paraphernalias at mga personal na kagamitan.

Idinagdag pa ng pulisya, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Cherrylin Caacbay