Nakapagtala na angDepartment of Health (DOH) ng limang kaso ng pagkamatay matapos mahawaan ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“As per verification, we have five recorded deaths,” ayon sa pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules, Enero 26.

Tinukoy nito na pawang may comorbidity ang nasabing mga pasyente, tatlo sa mga ito ay senior citizens.

Isa aniya sa mga ito ay partially vaccinated, ang ikalawa ay hindi bakunado habang kinukumpirma pa kung bakunado ang tatlong iba pa.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

Kaugnay nito, binalaan ni Vergeire ang publiko dahil maaari pang magdulot ngsevere coronavirus disease (COVID-19) ang Omicron kahit pa natuklasan sa pag-aaral na hindi ito mabagsik kumpara sa Delta variant.

“Even with Omicron right now, there are still individuals having severe infections and even dying. These are the individuals who are not vaccinated or partially vaccinated.Or even some individuals who are vaccinated but they are vulnerable, ibig sabihin matatanda or those with comorbidities. So, we cannot put some lighter weight para sa Omicron because it has milder symptoms— because it can still be severe,” anang opisyal.

Nitong Enero 19, aabot na sa 535 ang kaso ng Omicron sa bansa, ayon sa DOH.

Analou de Vera