'Kinakiligan' at kinatuwaan ng mga netizen ang mga ibinahaging litrato ni Hatima Marcampo o mas kilala sa screen name na 'Moi Bien' kasama si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, habang nasa bakasyon.

Batay sa Instagram posts ni Moi, kasama siya sa bakasyon ng dating among si Papa Pi sa Mabini, Batangas.

"Ito na po ang umpisa ng journey namin sa katagang 'pag 50 years old ka na wala ka pang asawa baka tayo talaga' hahaha apaka feelingera ko!!!! haha," saad ni Moi sa caption.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Piolo Pascual at Moi Bien (Screengrab mula sa IG/Moi Bien)

Matatandaang sinabi ni Moi na may ganoon umano silang 'sumpaan' ni Papa Pi nang batiin niya ito sa kaarawan nito noong Enero 11.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/piolo-lalong-sumasarap-habang-tumatanda-bakit-lagot-sa-former-pa-na-si-moi-bien/

"Happy birthday my Mayor, you're the best!! And you're the yummiest, the yummyer? Hehe I love you beri beri much!! Ikaw lang yung habang tumatanda lalong sumasarap!! Ahahaha pag di ka pa nakapag-asawa tapos 50 years old ka na!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha happy birthday @piolo_pascual."

Sa isa pang Instagram post, makikitang nasa iisang kama sina Piolo at Moi at magkatabing nakahiga. Nakahilig pa ang ulo ni Papa Pi sa baywang ni Moi.

"Tapos na po ang overnight stay ko salamat sa discount hahaha love you PapaP, balik ako agad! Watch n'yo vlog ko ha edit ko lang.. kalma lang kayo diyan hehehe."

Piolo Pascual at Moi Bien (Screengrab mula sa IG/Moi Bien)

Piolo Pascual at Moi Bien (Screengrab mula sa IG/Moi Bien)

Piolo Pascual at Moi Bien (Screengrab mula sa IG/Moi Bien)

Bb. Joyce Bernal at Moi Bien (Screengrab mula sa IG/Moi Bien)

Mukhang kasama sa bakasyon na iyon ang kaibigang direktor ni Piolo na si Bb. Joyce Bernal.

Napa-sana all na lang ang mga celebrity at netizens dahil ang suwerte-suwerte raw ni Moi!

"Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat!"

"Naol may Papa P nakaunan sa beywang. Grabe siya oh!"

"Why not…he's lucky to have you… since then til now… at least ikaw alam na alam mo na pati nunal niya sa katawan hehehehe."

"Mapapa-sana all na lang talaga!!!'

May netizen naman na nagsabi na huwag naman daw agawan ni Moi ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao na napapabalitang may romantic relationship kay Papa Pi.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/01/08/piolo-sa-chikang-sila-na-ni-shaina-what-you-see-is-what-you-get/">https://balita.net.ph/2022/01/08/piolo-sa-chikang-sila-na-ni-shaina-what-you-see-is-what-you-get/

"Paano na si Shaina?"

"@moibienne Huwag naman po agawan si @shaina_magdayao love 'yan ni @piolo_pascual."

Halos 16 na taong nanilbihan si Moi kay Papa Pi bilang personal assistant hanggang sa noong 2010 ay nagtapos ng culinary arts si Moi. Noong 2016 ay pinayagan na siya ni Piolo na magtrabaho sa iba.

“Noong una, siyempre kasi sobrang close namin, tapos noong nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako. Nadudurog ang puso ko,” pag-amin ni Moi sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP noong 2019.

Kahit aminadong nagkaroon ng separation anxiety, mas okay na raw ang relasyon nila ngayon ni Papa Pi dahil parang mas naging magkaibigan na sila.

“Pero okay na ako. Parang super-super friends na ganyan-ganyan,” dagdag pa ni Moi.