Kulong ang isang babae na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga matapos umanong masamsaman ng ₱4,760,000 na halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng pulisya sa isang shopping mall sa Pasay City nitong Biyernes, Enero 21.

Kinilala ng pulisya ang suspek na siMadonna Romaguerra at walang permanenteng tirahan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nagkasa ng operasyon ang Police Drug Enforcement Group (PDEG) at Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit sa Sampaloc, Maynila.

Gayunman, iniba ng suspek ang kanilang transaksyon at napagpasyahan na isagawa na lamang ito sa HK Sun Plaza sa Diosdado Macapagal Blvd sa Pasay kung saan naaresto ito dakong 1:00 ng hapon.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nakumpiska sa suspek ang 700 gramo ng shabu at buy-bust money.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang maaresto ang mga kasabwat ni Romaguerra.

Nahaharap na si Romaguerra sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea