Nilinaw ni Queen of All Media Kris Aquino na hindi ang dating fiancé na si Mel Sarmiento ang pinatatamaan niya sa huling bahagi ng kaniyang latest Instagram post noong Enero 12, kung saan nagbigay siya ng update sa kaniyang kalusugan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/kris-aquino-may-pinatatamaang-fake-at-makasarili/">https://balita.net.ph/2022/01/13/kris-aquino-may-pinatatamaang-fake-at-makasarili/

Sa huling talata kasi ng kaniyang mahabang caption, pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagpadala ng kani-kanilang mga pag-aalala sa kaniya; sa pamamagitan ng mga materyal na bagay o kahit simpleng mensahe. Nakilala raw niya kung sino-sino ang mga totoong nagmamahal, maaasahan, at peke lamang sa kaniya.

"P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, rosaries, prayer books, ice cream, and so much more, I am refraining from any gratitude posts."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala," aniya.

Sa huling pangungusap, hindi raw niya pinariringgan si Mel.

"(Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.)" aniya.

Ang mga kaibigan at kasamahan naman sa showbiz na nagkomento at nagpahatid ng mensahe sa kaniya (batay sa pagkakasunod-sunod) ay sina Melai Cantiveros, Darla Sauler, Angeline Quinto, impersonator ni Kris na si Krissy Achino, Atty. Gideon Peña, Pin antonio, K Brosas, at Marlo Mortel.