Umapela ang isang kongresista sa pamahalaan na sa halip na magpairal ng lockdown na lalong nagpapahina sa ekonomiya ng bansa, dapat ay mamuhunan na lamang ang gobyerno sa pagkakaloob ng libreng antigen at Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Nilinaw ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong, layunin nito na pahintulutan ang mga health authorities na maihiwalay ang mga may sakit nang hindi magagambala ang buhay at kabuhayan ng mga taong walang COVID-19

Aniya, ang pagdedeklara ng bagong quarantine lockdown sa Metro Manila at sa kalapit na mga lalawigan dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 ay makasisiralamang pagsulong ngmicro, small and medium enterprises (MSMEs) ng bansa kung saan kinakatawannito ang 99.5 porsyento ng lahat ng negosyo at pinapasukan din ng 62 porsyento ng kabuuang labor force ng bansa.

Sa halip aniya na magsagawa ng malawakang community quarantine, dapat pangasiwaan ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pandemya sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna, mass testing, at epektibong contact tracing. 

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Bert de Guzman