Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kapamilya actress Sofia Andres na tinamaan din siya ng COVID-19, at ngayon ay negatibo na siya mula sa Omicron variant.

"After 10 days… finally I’m negative," pahayag niya sa caption sa kaniyang Instagram post. Mukhang nasa bansang Portugal si Sofia at doon sinalubong ang Bagong Taon.

"Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself. What a way to start 2022."

"I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong."

Karina Bautista, PH navy reservist na

Sofia Andres (Screengrab mula sa IG)

Kaya naman, mukhang nawindang si Sofia nang mabasa niya ang ilang mga komento ng netizen sa isang lumabas na artikulo mula sa isang showbiz/entertainment site kung saan ibinalita ang pagkakaroon niya ng COVID-19. Ibinahagi niya sa IG stories ang screengrab ng artikulo at nilagyan niya ng komento.

"I don't read comments but reading their bio saying #GODISINCONTROL #GODISEVERYTHING… I just hope the best for them saying 'so what' if I had Omicron… send help," aniya.

Narito kasi ang ilan sa mga komento ng mga netizen na nagbigay ng reaksyon sa comment section:

"Arte haha."

"Very responsible."

"So?"

"Grabe ang surge talaga sa Europa."

Screengrab mula sa IG/Sofia Andres

Screengrab mula sa IG/Sofia Andres

Sa ngayon ay mukhang kapiling na ni Sofia ang kaniyang baby na si Zoe Natalia Miranda, ayon sa kaniyang latest Instagram post.