May sweet message ang Barangay Ginebra basketball superstar Scottie Thompson para sa kaniyang misis na si Jinky Serrano na tinawag niyang ' best decision I've ever made and my life's greatest blessing!'
Makikita sa Instagram post ni Scottie nitong Enero 3 ang kaniyang nakaaantig na mensahe para sa kaniyang asawa, matapos nilang ikasal noong 2021.
"The best decision I've ever made and my life's greatest blessing! Looking forward to many more memories, adventures, laughs, challenges, small wins and big successes with you! "
"Let's build a solid foundation in the years ahead for our future family and may we always put God at the center of our marriage. Know that I will always be here for you and I'd always choose you in a hundred lifetimes. I LOVE YOU SO MUCH WIFEY!!! @_jinkythompson."
Tumugon naman dito si Jinky.
"I love you too husband, my rock!"
"@_jinkythompson my weakness!" sagot naman ni Scottie.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kanilang pagpapakasal dahil matapos ang engagement nina Scottie at ang longtime girlfriend niyang si Pau Fajardo, ay nagulat ang publiko nang ibang babae ang iniharap niya sa altar, at ito nga ay si Jinky.
Abril nang umugong ang balitang nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng fans na binura ng dalawa sa kanilang social media accounts ang mga larawan ng isa’t isa.