Si Ogie Diaz na talent manager ni Kapamilya actress Liza Soberano ang bumasag sa espekulasyong buntis ang kaniyang alaga, at syempre, ang itinuturong ama ay ang katambal nito at kasintahang si Enrique Gil.

Marami umano sa mga netizen ang nakapansin na para bang may baby bump na si Liza, batay sa ibinahagi umano nitong litrato sa social media, noong Pasko.

Enrique Gil at Liza Soberano (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Siyempre, si Liza po ay hindi buntis pero magkasama sila ni Quen (Enrique Gil sa U.S. kasama si Justin, ‘yung brother ni Liza. So dinalaw nila at dinamayan ‘yung lola nila," ayon sa episode ng showbiz vlog ni Ogie na 'Showbiz Update' noong Disyembre 31, 2021.

Aniya, nagmukha lang malaki sa litrato ang sinapupunan nito subalit hindi umano ito buntis kaya tigilan na umano ang 'pangma-Marites' sa kaniyang alaga.

Pero in the near future daw, kung sakaling magdesisyon na sina Enrique at Liza na itaas sa ibang antas ang kanilang relasyon, iba na raw ang magiging sagot. Mukha raw kasing hindi na mapaghihiwalay pa ang dalawa.

"Yung ang daming naiisip, naiisip nila ‘yan. Hayaan po natin. Someday, dahil sila naman ni Enrique ay talagang mukhang hindi na mapaghihiwalay, darating din tayo diyan. Pero for now, it’s a no."

Matatandaang noong Disyembre 18 ay hindi nakasama sa taunang ABS-CBN Christmas Special sina Liza at Enrique dahil sa isang family emergency.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/19/lizquen-no-show-sa-abs-cbn-christmas-special-ano-ang-dahilan/">https://balita.net.ph/2021/12/19/lizquen-no-show-sa-abs-cbn-christmas-special-ano-ang-dahilan/

Sinamahan ni Enrique ang kaniyang jowa sa Amerika para makasama ng nobya ang maysakit nitong lola na nag-alaga sa kaniya noong paslit pa lamang siya.

Liza Soberano at Enrique Gil (Larawan mula sa IG)

"Hello everyone! As much as @itsenriquegil and I would’ve loved to be at the ABS-CBN Christmas Special this year, we won’t be able to make it due to unforeseen circumstances. We really wanted to be there for all of you and we were ecstatic to see our Kapamilya whom we missed dearly," aniya sa isang tweet.