Matapos magbahagi ng mga larawan ng kanyang pamilya sa Instagram sa pagbubukas ng taon si Matteo Guidicelli, hindi nakaligtas sa mata ng netizens ang umano’y “baby bump” ng kanyang misis na si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Kagaya ng ilang celebrities, sinalubong din ng aktor na si Matteo ang bagong taon ng pagbabahagi ng family photos sa social media.

Kasama sa apat na larawan sa Instagram post ng aktor ang masayang si Sarah na tila kinunan pa sa likod ng isang lugar na perfect background ang golden sunset.

Kabilang din sa mga nasabing larawan ang buong Guidecelli clan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ngunit, ilang netizens ang naintriga sa umano’y “baby bump” ng Kapamilya singer.

“Buntis si Sarah?” tanong ng isang netizen.

“Baby bump???” segunda ng isa pa.

“Feel ko buntis si Sarah ???? Happy New Year to all.! ❤️” suspetsa ng isa pa.

“Sarah looks preggy na ?.”

“Looks like a baby is coming in 2022! Happy New year!?❤️”

Ilang fans din ang humiling na sana’y magkababy number one na ang AshMatt couple.

“Happy New Year AshMatt! Ang ganda ni Sarah she looks so happy na talaga. Sana magkababy na kayo! God bless you both. ❤️” saad ng isa pang fan.

“2022 will be your year!!! I'm claiming it.baby na?????,” komento ng isang fan account.

Wala pang kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa kanilang umano'y pagbubuntis.

Matatandaang naging kontrobersyal ang secret wedding noon nina Sarah at Matteo matapos umano’y sumugod si Mommy Divine, ina ni Sarah, sa seremonya.

Kasunod nito, naging tahimik din ang mag-asawa sa ilang mga isyu na nakapalibot sa kanila.

Taong 2020 nang ikasal ang Kapamilya real couple.