Sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang itinanghal na 'Top 2' sa final week ng 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 para sa celebrity edition, na ginanap nitong Sabado ng gabi, Enero 1, 2022.

Nakakuha ng 22.63% ng save votes si Valdez habang si Salvacion naman ay 13.60%.

Image
Larawan mula sa Twitter/Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Image
Alyssa Valdez, Anji Salvacion, at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter/Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10)

Tuluyan namang napalabas ng Bahay ni Kuya ang tatlong housemates na sina Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo.

Sa eisyong ito, tanging si Alyssa Valdez lamang ang hindi nakaranas na ma-nominate simula umpisa. Si Anji naman ay itinuturing na 'dark horse' dahil ilang beses na siyang nalagay sa alanganin at nag-donate pa ng puntos/diamonds kina Samantha at Madam Inutz, at inilagay pa ang sarili sa rank 5, sa task ni Big Brother na i-antas nila ang mga sarili sa mga ambag o nagawa nila sa loob ng Bahay.

Samantala, inaabangan naman ng mga netizen ang magiging pasabog nito dahil napansin ng mga netizen na hindi tinawag na 'ex-housemates' sina Brenda, Madam Inutz, at Samantha. Baka posible raw ang 'wild card'.

Image
Brenda Mage, Madam Inutz, Samantha Bernardo, at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter/Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10)

Samantala, unti-unti nang ipinakilala ang adult housemates para naman sa adult edition.