TAGKAWAYAN, Quezon-- Dead on the spot ang mag-asawa na magkaangkas sa motorsiklo habang sugatan ang delivery van driver nang magsalpukan ang kanilang sinasakyan sa  Quirino highway, barangay Sta. Cecilia noong Linggo.

Sa ulat ng Tagkawayan Police ang mga nasawi ay sina Policarpio Oliva at asawa nito na si Delia na kapuwa residente ng Del Gallego, Camarines Sur.

Samantala, kinilala ng pulisya ang sugatan na si Orlando Jualo na nilapatan ng lunas sa pagamutan.

Dakong alas-8 ng gabi binabagtas ng mag-asawa ang Quirino highway nang makasalubong ang delivery van ng suspek na si Jualo habang malakas ang ulan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa tindi ng salpukan ay tumilapon ang motorsiklo ng mga biktima, gayung ang trak naman ay nawasak ang unahang bahagi.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang suspek.

Danny Estacio