Pinaiyak ng Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman ang kaniyang ina sa araw mismo ng Kapaskuhan.

Makikita sa Instagram posts ni EA ang sorpresa niya sa kaniyang ina, na walang iba kundi isang two-storey house na inilarawan ni EA bilang 'dream come true'.

"About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA," caption ni EA sa kaniyang IG post kung saan ibinahagi niya ang kuhang video kung paano nila sinorpresa ang ina.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Edgar Allan Guzma (Screengrab mula sa IG)

Makikita sa video na lumabas ng kotse ang kaniyang ina habang nakapiring. Nagulat ito nang tanggalin ang piring at sabihin ni EA na bahay na nila ito. Napaiyak at napayakap na lang ang ina sa kaniyang butihing anak.

Edgar Allan Guzman at Mama (Screengrab mula sa IG)

Edgar Allan Guzman at Mama (Screengrab mula sa IG)

Sa isa pang IG post, makikita ang group photo nila sa harapan ng kanilang bagong bahay.

Edgar Allan Guzman at Mama (Screengrab mula sa IG)

Edgar Allan Guzman at Mama (Screengrab mula sa IG)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"So heartwarming when you see good filial sons like EA. God bless you more, EA and your family, too."

"No one is ever more lucky than a mother who is happy. You’re blessed for having a son like him."

"Napakabuting anak ni EA God bless you always."

As of this writing ay may 72,859 views na ang kaniyang video.