Lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas sa Martes, Disyembre 27, na lumilikha sa Department of Migrant Affairs (DMA), ayon kay TUCP party list Rep. Raymond Mendoza, pangunahing may-akda ng panukala.
Ang bagong departamento na pamumunuan ng isang Kalihim na magsisilibi para sa mga karapatan at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Paglilingkuran ng kagawaran ang lahat ng OFWs maging anuman ang kanilang status at paraan ng pagpasok sa bansa ng destinasyon, ayon kay Mendoza.
"So-called “undocumented” or “irregular” OFWs will be looked after by the new Department of Migrant Workers while Filipinos in other countries will be looked after by the Department of Foreign Affairs," dagdag ng kongresista.
Ang Philippine Overseas Employment Administration ay magsisilbi bilang core agency ng bagong departamento.
Ang Commission on Filipinos Overseas ay aabsorbehin ng bagong kagawaran.
Samantala, ang Overseas Workers Welfare Association ay magiging isang attached agency ngayon ng departamento. Ito ay dating nakapaloob sa Department of Labor and Employment.Bert de Guzman