Matapos ang kaniyang pagbura sa mga litrato at posts sa kaniyang Instagram noong Oktubre, nag-post na ulit ang kontrobersyal na Kapamilya actress na si Yen Santos.

Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes, nadawit ang pangalan ni Yen sa kontrobersiya at siyang itinuturing 'friend' na naging dahilan umano ng nasabing break-up. Mas lalong sumilab ang apoy dahil nakita silang magkasama sa Baguio City. Nagkatambal ang dalawa sa pelikulang 'A Faraway Land' na napanood sa Netflix Philippines.

At nito ngang Disyembre 25, nag-post na ulit si Yen ng dalawang litrato na may caption na 'Merry Christmas'. Nakanguso ang kaniyang labi, at sa likod niya ay ka-selfie ang isang Santa Claus mannequin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Yen Santos

May ilang litrato rin siyang ibinahagi sa IG stories, na mahihinuhang mga taong malalapit sa kaniya, at litrato ni Jesus Christ na binabati niya ng 'Happy Birthday'.

Naka-turn off naman ang comment section nito. Siya ay may 2M followers at wala naman siyang fina-follow kahit isa.

Screengrab mula sa IG/Yen Santos

Noong Nobyembre naman, pinag-usapan ang kaniyang Instagram stories matapos niyang magdiwang ng kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng birthday dinner. Mukhang espesyal na dinner date ito na may espesyal na set-up, bagay na naispatan din umano sa IG story ng Kapuso actor na si Paolo Contis, na nauugnay sa kaniya. Espekulasyon ng mga netizen, magkasama umano silang dalawa kaya tinagurian itong 'birthday dinner as a friend'.

Wala pang kumpirmasyon ang dalawa tungkol dito.