Kinumpirma ni Miss Universe 1994 at Bollywood superstar Sushmita Sen na hiwalay na ito sa kanyang nobyo na si Rohman Shawl, na mas bata kay Sen ng 15 na taon.

Tumagal rin ng 3 taon ang kanilang relasyon.

Payapang inanunsyo ni Sen ang kanilang hiwalayan sa kanyang Instagram post.

"We began as friends, we remain friends!! The relationship was long over, the love remains," ani Sen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya, "#nomorespeculations," "#liveandletlive" "#cherishedmemories," "#gratitude," "#love" and "friendship."

Ayon sa ilang ulat, nagsiimula ang relasyon ng dalawa noong 2018, hindi man pormal na inanunsyo ay kita naman ang sweet moments ng dating magkarelasyon sa social media at mga interview.

Nagroon rin ang magandang bonding si Shawl ang mga anak ni Sen na si Renee at Alisah.

Matatandaang nakilala si Sen bilang kauna-unahang Indian national na nakapag-uwi ng korona para sa kanilang bansa, na siya namang ginanap sa Manila noong siya ay 18 taong gulang pa lamang.