Hindi pinalagpas ni Bela Padilla ang ginawang pag-tag sa kaniya ng isang netizen hinggil sa tweet nito na na-lock umano ito sa isang palikuran.

Ayon sa tweet ng netizen, "Put*ng-ina, na-lock ako sa loob ng CR for about an hour tapos hindi ko binitbit yung phone ko with me sa CR so I couldn't send a message to anyone!"

Agad namang sumagot dito si Bela, "You think you're funny?"

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Screengrab mula sa Twitter/Bela Padilla

Ngunit bakit nga ba tinag si Bela sa isyu ng pagka-lock sa loob ng CR?

Matatandaang naging usap-usapan noong 2010 ang umano'y pagla-lock ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa co-star niyang si Bela Padilla sa loob ng isang palikuran kasama siya, sa Fontana Leisure Park sa Pampanga, habang nagte-taping ng kanilang seryeng 'Endless Love' na isang Pinoy adaptation mula sa isang Korean series.

Dito ay kinumpronta umano ni Marian si Bela na pinagbibintangan umano niyang 'nilalandi' ang noon ay katambal at real-life boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

"Ayokong makita ang pagmumukha mo! Ang pangit, pangit mo! Saka hindi ka marunong umarte. Boba!" saad daw ni Marian kay Bela.

Ayon pa sa tsismis, kinuwelyuhan din daw ni Marian si Bela, bagay na pinabulaanan naman ni Bela sa isang panayam sa kaniya. Hindi raw sila magkaibigan ni Marian subalit hindi umano totoo ang mga chismis na lumabas tungkol sa naturang insidente.

To the rescue naman din si Dingdong noon para depensahan naman si Marian. Naglabas siya ng opisyal na pahayag upang ipagtanggol ang jowa, bagama't inamin niyang may 'nangyari' nga sa pagitan nina Marian at Bela subalit naayos naman daw ito kaagad.

"I am saddened by the false accusations and allegations hurled towards Marian which I feel are unfair and were totally blown out of proportion. I am saying this because I know the truth. Whatever happened in the past happened between two ADULTS, and I believe that this was already resolved. Now, all talks stemming from it are obviously hurting the status quo, which we were led to believe, was already smooth sailing," ayon sa opisyal na pahayag ni Dingding na inilabas ng PPL Entertainment Inc. na siyang namamahala sa kaniyang showbiz career noon.

"As someone who believes in Marian's character and loves her dearly, wholeheartedly, without boundaries, in this life or in the next, I would like the readers/public/spectators to know that I will be behind her, beside her, and even in front of her in fulfilling her dreams and aspirations. Our relationship is at its strongest point now, more than ever."

"From hereon, we will just direct our attention to more important matters that will make more people happy. We will just focus our energies on the projects that she will be blessed with, which will enrich the industry."

"We will continue to treasure and love the family and friends around her who truly matter and know the truth. At the end of the day, there is a reason why Marian is who she is…And the entire country, if not most of it (at the very least) can vouch for that."

Marian Rivera leaves for 70th Miss Universe in Israel as husband Dingdong  Dantes pens sweet message – Manila Bulletin
Dingdong Dantes at Marian Rivera (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Napag-usapan din ang umano'y closed-door meeting ng dating GMA executive na si Wilma Galvante kina Marian at Bela upang mapag-ayos ang dalawa. Nagkasundo umano ang dalawang panig na hindi na nila pag-uusapan ang kanilang mga isyu sa isa't isa.

Noong 2015, lumipat sa ABS-CBN si Bela at naging leading lady ni Coco Martin sa teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Sa ngayon, pansamantalang naninirahan si Bela sa London, UK, kasama ang kaniyang pamilya. Hindi pa malinaw kung mananatili na ba siya roon at tatalikuran ang showbiz career sa Pilipinas, o magpapahinga lamang o tinatawag na showbiz hiatus, kagaya ng ginawa ng ibang mga celebrities na eventually ay bumalik o babalik din naman.

"So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you into my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video," ayon sa isa niyang tweet noong Nobyembre 22.