Litaw ang kaseksihan ng Kapuso aktres na si Sanya Lopez at bagong GMA talent na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa isang dance clip sa Instagram kamakailan.

Suot ang itim na crop tops at simpleng jeans, gumiling sa tugtog ng “Intro Father Perra Palga Rkt” ang dalawa.

Kapansin-pansin naman ang tila pagkakahawig ni Rabiya at Sanya na agad ring nakita ng ilang netizens.

Maging si Rabiya ay napa-commnet din ng "Kambal" na may tatlong heart emojis.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Isang araw lang matapos ibahagi, higit 100,000 likes agad ang nakuha nito mula sa netizens.

Parehong bibida sa teleseryeng "Agimat ng Agila" ang dalawang aktres kung saan ang proyekto ang pinakaunang acting break ni Rabiya para sa isang teleserye.