Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng pinansyal na tulong ni Willie Revillame kahapon, Disyembre 22 sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas.

Personal na naghatid ng tulong si Revillame kasama sila Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, at ilan pang miyembro ng gabinete at mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office o PCOO.

Dagdag pa rito, iniabot ni Revillame ang tig-isang milyon sa siyam na alkalde ng munisipalidad ng Siargao bilang tulong pinansyal sa pagpapaayos ng nasabing lugar.

Nagpatayo na rin ng command center ang gobyerno sa Siargao.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Samantala, si Michael V. muna ang humalili sa kanya sa game show na "Wowowin" bilang host.

Isa ang Siargao sa maraming probinsya na nasalanta ng Bagyong Odette. Sa kabuuan, may napaulat nang 300 na nasawi, na kung saan ay 15 dito ay kumpirmado na ng Philippine Red Cross at 120 ang patuloy pa ring biniberipika.

Umabot sa 35.4 milyong indibidwal ang naapektuhan ng nasabing bagyo sa isla ng Visayas at Mindanao.