Inamin ni Kapamilya actor Enchong Dee na muntik na pala niyang ligawan ang isang sikat na Kapamilya actress na nakasama niya sa isang teleserye.

Sa paggunita ni Enchong sa ika-15 taon sa showbiz nitong Miyerkules, Disyembre 22, nasorpresa ang 'Magandang Buhay' hosts na sina Momshies Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, na ang tinutukoy ni Enchong ay si Chinita Princess at 'Queen of the Dance Floor' ngayon ng 'ASAP Natin 'To' na si Kim Chiu.

“Alam ito ni Kim," sabi ni Enchong. "Minsan niloloko ko nga siya, ‘Naalala mo Kim, ikaw talaga 'yung dream girl ko dati?’ Kapag ayaw niya pag-usapan, sasabihin niya ‘Enchong , huwag na. It’s 15 years ago.'"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kim Chiu – Manila Bulletin
Kim Chiu (Larawan mula sa Manila Buletin)

Masaya na ngayon si Kim sa kaniyang jowang si Xian Lim na lumipat na sa Kapuso Network nitong 2021.

Bukod sa ASAP, nagkasama na sina Enchong at Kim noong 2008 sa Pinoy adaptation ng Korean series na 'My Girl,” nina Lee Da-hae, Lee Dong-wook, Lee Joon-gi at Park Si-yeon. Katambal ni Kim dito ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

“Ito yata 'yung pinakaunang show na pinagdasal ko tapos binigay sa akin ni Lord,” pag-amin ni Enchong.

Hanggang ngayon naman daw ay magkaibigan pa rin sila ni Kimmy at walang ilangan kapag nagkakasama sila sa trabaho.