Sa kauna-unahang pagkakataon para sa celebrity edition na ito, nagsagawa ng baligtad na nominasyon ang mga housemate ng 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' kung saan magbibigay sila ng puntos sa kanilang housemate na sa tingin nila ay karapat-dapat na manatili pa sa Bahay ni Kuya.

Matapos nito, sina Alyssa Valdez at Brenda Mage lamang ang ligtas sa susunod na eviction night dahil sila ang nakakuha ng pinakamatataas na puntos sa tinawag na 'positive nomination night.'

“She is the glue that keeps us in the house together. Isa sa pinakamaasahan at matatakbuhan sa bahay na ito, no matter kung anong kailangan nating motivation, advice, or an ear to listen,” papuri ni Alexa Ilacad kay Alyssa.

Para naman kina Madam Inutz at Alyssa, si Brenda ang nagbibigay-buhay sa loob ng BNK.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Limang puntos ang nakuha nina Alyssa at Brenda sa nominasyon. Kaya naman, ang ilan pang natitirang housemates na sina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, KD Estrada, Madam Inutz, at Samantha Bernardo ang nalagay sa balag ng alanganin at dalawa sa kanila ang lalabas na sa eviction night.

Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live

Tatlong puntos ang nakuha nina Madam Inutz at Samantha habang may dalawang puntos naman sina Anjie at KD na halos sa buong edition ay laging nano-nominate. Ang pinakamababa naman ay nakuha ni Alexa na may isang puntos lamang.

Tuluyan nang lumabas ng BNK sina Eian Rances at Jordan Andrews noong huling eviction night.