Makararanas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Taguig City, Makati City, at Quezon City sa Disyembre 23-24 dahil sa ipinatutupad na maintenance services.

Ito ang inanunsyo ng Manila Water Company Inc. nitong Martes at sinabing kabilang sa maaapektuhan ng putol na suplay ng tubig ang Ususan sa Taguig City, Aduana cor. Escuela St., New Intramuros Village, Brgy. Matandang Balara, Quezon City, 9th Ave. cor. 8th Street, 9th Ave. cor.10th Ave, Brgy. North Signal sa Taguig City.

Kasama rin sa nasabing mga lugar ang Sta. Maria cor. Shamrock sa Makati City.

Ikinatwiran ng nasabing water concessionaire, magpapatupad sila ng line maintenance at interconnection.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dahil dito, pinapayuhan ang mga customer na mag-imbak muna ng tubig habang nagsasagawa ng service improvement activities ang kumpanya.

Cherrylin Caacbay