Ang kaibigang si Brenda Mage ang napipisil na Grand Winner ng kalalabas lamang ng Bahay ni Kuya na si Eian Rances, sa naganap na double eviction nitong Linggo, sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity edition.

"Para sa akin kung sakripisyo 'yung pag-uusapan, na lahat ay ibinigay ng todo, lahat naman kami. Pero from the outside na dinala niya sa loob ng bahay 'yung sakripisyo na 'yon -- it's Brenda," pahayag ni Eian, na wala pang kamalay-malay sa mga haharaping isyung kinasangkutan nila ni Brenda sa outside world.

"Shinare sa amin ni Brenda 'yung hirap na pinagdaanan niya sa labas na dinala niya hanggang loob. Ipinakita niya rin kung paano siya naghihirap sa labas. Alam ko gustong-gusto niya ito, matagal niyang ipinagdasal ito," dagdag na paliwanag ni Eian, na sikat na sikat sa Kumu app.

Nabuo ang hindi inaasahang pagkakaibigan nina Eian at Brenda sa loob ng Bahay ni Kuya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa mga nakalipas na linggo, naging usap-usapan ang naging tampuhan ng dalawa dahil sa pagiging malapit ni Eian kay Alexa Ilacad, bagay na ikinaselos naman ni Brenda.

Matapos ang masinsinang pag-uusap, nagkaayos din silang dalawa.

Samantala, aminado naman ang jowa ni Brenda na si Kelvin Simbulan na nagseselos siya sa closeness nina Brenda at Eian. Tinawag pa niya si Eian na 'bakla'.

Tuluyan nang nagtapos ang pananatili ni Eian sa PBB kasama ang isa pang housemate na si Jordan Andrews.