Nais umanong makatrabaho ng Thai actor na si Nonkul Chanon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sinabi ng isa sa mga stars ng Thai film na 'Bad Genius' sa isang online media conference kasama sina Mario Maurer at Gulf Thanawut, na nais niyang makasama sa isang proyekto si Marian. Napanood daw niya ang mga shows nito na ipinalabas sa Thailand at nagandahan siya sa acting prowess nito.

Bukod kay Marian, pinapurihan din ni Nonkul ang mga Pilipino dahil sa pagiging talentado. Sa katunayan, may ilang mga awiting Pilipino na raw siyang unti-unting pinag-aaralan.

Samantala, wala pa namang tugon si Marian sa pahayag na ito ni Nonkul.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach