Nag-donate ang aktor na si Gerald Anderson ng mga relief goods para sa mga sinalanta ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
Ilang sako ng bigas at kahun-kahong de-boteng tubig ang dinala ni Anderson sa Philippine Coast Guard (PCG) na kabilang sa mga ahensyang inatasangmaghahatid ng mga relief goods sa Western Visayas at Northeastern Mindanao.
Ang donasyon ni Anderson ay isinakay sa BRP Gabriela Silang na inaasahang darating sa mga nasabing lugar sa Martes, Disyembre 21.
Pagdidiin naman ng PCG, paunang donasyon lamang ito ni Anderson dahil nangako pa ito ng mas marami pang relief goods para sa mga biktima ng bagyo.
Inaasahang makikinabang sa relief effort ng PCG ang libu-libong pamilya saSurigao City at Dinagat Island na kabilang lamang sa sinalanta ng bagyo.
Waylon Galvez