Pinuna ni Sen. Imee Marcos ang papel na ginagampanan ni Senate President Sherwin Gatchalian sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang video statement ni Sen. Imee noong Biyernes, Hulyo 11, sinabi niyang nakakatawa umano ang hitsura ni SP Sherwin habang katabi si Sen. Chiz Escudero na tumatayong presiding officer ng paglilitis.
Aniya, “Sobra naman kayo. Inaapi n'yo naman masyado si Sherwin. Senate President namin 'yan. Kaya lang, 'yan na nga 'yong sinasabi ko, nakakatawa tuloy 'yong histura niya.”
“Kasi bakit dalawa sila do'n sa itaas. E, alam naman natin dati talagang gano'n. No'ng impeachment ni Presidente Erap, dalawa sila,” dugtong pa ni Sen. Imee.
Binanggit ng senadora na ayon umano sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Chief Justice ang magsisilbing presiding officer kapag ang Pangulo ang nasasakdal.
Ngunit ayon kay Sen. Imee, “Ito nga nakakatawang tingnan. Kasi dalawa sila. Kung sana e walang papel si Sherwin na aming Senate President, e bakit si Chiz pa ang pinili. 'Yon na nga ang mahirap, e.”
Matatandaang mainit na pinagtalunan sa Senado kung sino ba ang dapat manguna sa impeachment trial. Giit ng minority bloc, dapat itong pangunahan ni SP Sherwin.
Gayunman, naihalal pa rin ng mayorya si Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer sa botong 12-8.
Kaugnay na Balita: Gadon, kinatigan si SP Gatchalian sa desisyong maghalal ng ibang presiding officer