July 23, 2026

Home BALITA Politics

Gadon, kinatigan si SP Gatchalian sa desisyong maghalal ng ibang presiding officer

Gadon, kinatigan si SP Gatchalian sa desisyong maghalal ng ibang presiding officer
Photo Courtesy: Screenshot from Larry Gadon (FB), via MB

Suportado ni disbarred lawyer at Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang desisyon ni Senate President Win Gatchalian na magtalaga ng ibang presiding officer para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa video statement na ibinahagi ni Gadon nitong Martes, Hulyo 7, sinabi niyang tama umano ang pasya ni Gartchalian.

“Tama ang kaniyang posisyon na ang trabaho sa Senado ay hatiin. Mayro'n sa impeachment at mayro'n do'n sa regular function ng Senado, the legislative function, na kung saan napakaraming nakabinbin ngayon na mga batas na dapat nilang pag-aralan at ipasa,” saad ni Gadon.

Dagdag pa niya, “'Yan ay sinusuportahan ko sapagkat ang impeachment naman ay panandalian lamang. At wala namang nagsasabing batas na bawal na iba ang mag-handle nito.”

Ayon sa anti-poverty czar, maiiba lang umano ang presiding officer sa impeachment trial kung ang Pangulo ng Pilipinas ang nasasakdal batay sa nakasaad sa 1987 Constitution.

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

“Pero sa Bise Presidente at sa iba pang mga impeachment ng iba pang impeachable officers ay wala namang dinidikta ang batas kung sino dapat,” dugtong pa niya.

Matatandaang mainit na pinagtalunan sa Senado kung sino ba ang dapat manguna sa impeachment trial. Giit ng minority bloc, dapat itong pangunahan ni SP Gatchalian. 

Gayunman, naihalal pa rin ng mayorya si Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer sa botong 12-8.