July 18, 2026

Home BALITA Metro

Mayor Vico, inalmahan ang ulat tungkol sa suspensyon laban sa kaniya

Mayor Vico, inalmahan ang ulat tungkol sa suspensyon laban sa kaniya
Photo Courtesy: Angelu de Leon via MB

Pumalag si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa ulat na papatawan umano siya ng Office of the Ombudsman (OMB) ng preventive suspension order.

Kaugnay umano ito ng reklamong hindi pamamahagi ng 1,500 one-time cash allowance para sa mga empleyado ng Pasig City Hall noong ipinagdiwang ang founding anniversary ng lungsod. 

Sa latest Facebook post ni Mayor Vico nitong Sabado, Hulyo 11, sinabi niyang fake news umano ang mga nakasaad sa ulat.

“Sabi nga, kung walang galit sayo, wala ka sigurong ginagawang mahalaga... Very likely that these fake news propaganda are funded by [your guess is as good as mine!]” saad ni Mayor Vico.

Dagdag pa niya, “Eto na naman sila. Mga page na post post muna ng positive... tapos maya-maya nagkakalat na ng kasinungalingan. Matagal nang may nagsusumbong sakin na binibili ang mga FB page nila.”

Metro

'Blue Eagle Athletic Scholarship Funds,' ng Ateneo, tribute kina Baterbonia, Adili

Sa huli, nakiusap ang alkalde na i-report ang Facebook page na may pangalang "I Love Pasig" at nagpaalalang maging mapanuri. 

Matatandaang hindi ito ang unang beses na siniraan si Mayor Vico ng mga social media page. 

Noong Abril 2025, kumalat ang isang video kung saan mapapanood ang isang 77-anyos na babaeng person with disability (PWD) ang "pinilit" at "tinuruan kung ano ang sasabihin" para dungisan ang pangalan ng alkalde.

Maki-Balita: Smear campaign video laban kay Mayor Vico, kinunan sa loob ng St. Gerrard Construction?