Ibinahagi ni award-winning actress Nadine Lustre ang pananaw niya sa loveteam culture ng Pilipinas, bilang minsan na ring naging bahagi nito.
Kabilang kasi sa mga napag-usapan kamakailan sa episode 29 ng “Almost Honest” ni Kylie Verzosa ang tungkol sa malaganap na kultura ng pagpapares-pares sa mga artista.
Nabanggit ni Kylie na tila mahihirapan umano siyang makatrabaho ang partner niya kung nasa iisang industriya lamang sila dahil sa posibleng power struggle.
Sabi naman ni Nadine, “It’s hard, because you don’t know what this is anymore. Like, you get to a point na where you’re always together. “
“You have this pressure na you can’t be really seen with another guy or kahit friend mo kasi you don’t wanna hurt the loveteam, the fans, you don’t wanna disappoint people,” dugtong pa ng aktres.
Ayon kay Nadine, may mga pagkakataon umanong nadi-discourage ang ilang kaibigan niya dahil sa sobrang pagiging passionate ng fans sa loveteam culture.
Matatandaang si James Reid ang aktor na itinambal sa kaniya ng ilang taon bago sila nagkahiwalay. Kilala ang kanilang loveteam bilang “JaDine.”
Maki-Balita: ‘Pagod na ako!’ Nadine, ‘di na kering magmahal ulit kapag nag-break sila ni Christophe