July 18, 2026

Home BALITA National

PBBM, gabinete tinalakay na ang proposed 2027 nat'l budget

PBBM, gabinete tinalakay na ang proposed 2027 nat'l budget
Photo Courtesy: PCO via DBM (FB)

Pinansimulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagpupulong kasama ang kaniyang mga gabinete upang pag-usapan ang panukalang national budget para sa fiscal year (FY) 2027 na inilatag ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Sec. Kim Robert C. De Leon.

Ayon sa inilabas na ulat ng DBM nitong Sabado, Hulyo 11, layunin umano ng panukalang budget na maipagpatuloy ang mga pangarap ng Pangulo para sa bansa.

Kasama rito ang pagpapalago ng ekonomiya, pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino, at siguraduhing mapupunta ang pondo ng gobyerno sa mga programa at proyektong kapaki-pakinabang sa taumbayan.

Matapos ang pulong, naisapinal ng DBM ang mga dokumento ng panukalang budget na nakatakdang isumite sa Kongreso.

Matatandaang noong Enero 2026 ay ₱6.793 trilyon ang inaprubahang national budget ng Pangulo para sa nasabing taon.

National

‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!

Kaugnay na Balita: ₱6.793T para sa 2026 nat'l budget, aprubado na sa Senado!