Kinakiligan ng mga netizen, lalo na ng mga kaedad nilang nangangarap pang magka-jowa, ang real-life couple na sina Cherie Pie Picache at Edu Manzano, na magkasamang nagbigay ng spiels sa katatapos lamang na ABS-CBN Christmas Special na ginanap noong Disyembre 18, 2021 ng gabi.

Kapansin-pansin na habang nagsasalita si Cherry Pie at binabasa ang kaniyang spiels sa teleprompter ay nakatitig sa kaniya ang katabing si Edu. Pagkatapos ng kanilang parte ay maririnig ang tila hiyawan sa ilang mga kasamahang artistang nanonood sa kanila. Live kasing naganap ang taunang handog na ito ng Kapamilya Network sa tuwing sasapit ang Christmas season.

Ito ang kauna-unahang pagpapakita nila sa publiko nang magkasama at live, as a couple. Tinawag sila ng mga netizen na 'CherryDoods.'

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

Cheri Pie Picache at Edu Manzano (Screengrab mula sa IG/ABS-CBN)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May nagsabing sila ang tataob sa tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Mas kinilig pa ako sa kanila, kaysa sa mga bagets eh."

"Dito ako kinilig sa kanila CherryDoods lang sakalam talo ang mga loveteams na mas bata."

"How sweet naman! Naniniwala ako sa pag-ibig na walang pinipiling panahon at edad."

"Dinaig mga batang loveteam mas kinilig kami kina Edu at Cherry Pie!"

"Kabahan na kayo KathNiel, DonBelle, at LizQuen! Sana may solo project sila, in fairness ang lakas ng chemistry at bagay naman sila."

Matatandaang noong Nobyembre ay inamin na ng dalawa ang kanilang relasyon na nagsimula sa kanilang lock-in taping ng teleseryeng 'Marry Me, Marry You'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/

Umugong ang chismis na may namamagitan sa dalawa nang ibahagi niya sa kaniyang IG ang isang litrato kung saan makikitang nakasandig siya sa balikat ng aktor, sa isang trip sa New York City, nitong Nobyembre 11.

Kinumpirma naman ni Edong ang chismis na ito sa isang text message sa News 5 broadcaster na si Cheryl Cosim nitong Nobyembre 19.

Noong Nobyembre 27, ipinakita ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram ang mga larawan nila ni Edu habang nasa Amerika, kasama ang ilang mga kaibigan.

Makikita rin na tila magkasama sila sa isang boat trip at talaga namang sweet na sweet sa isa't isa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/cherry-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/

Sang-ayon naman ang kani-kanilang mga anak nila sa kani-kanilang mga ex-partners sa relasyong namamagitan sa kanila ngayon.