Sinibak na sa puwesto ang apat na pulis na nakatalaga sa Taguig matapos isangkot ng isang Japanese sa kasong robbery extortion sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw.

Kabilang sa mga ito sinaS/Sgt. Jayson Bartolome, Corporal Merick Desoloc, Corporal Christian Jerome Reyes, at Patrolman Kirk Joshua Almojera.

Paliwanag naman ni Metro Manila Police director Maj. Gen. Vicente Danao, Jr., inalis nito sa puwesto ang apat habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon kaugnay ng reklamo ni Kani Toshiro, 42, at kinakasamang si Joana Marie Flores Espiritu, 26, kapwa taga-No. 8 Sta. Elvira St., Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Kasama ang tatlong iba pa, pinasok umano ng apat na pulis ang bahay ng dalawang complainant at tinangay ang ₱30 milyong cash na nasa vault nitong Sabado, dakong 12:01 ng madaling araw.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Habang tumatakas ang mga suspek sakay ng apat na motorsiklo, nakasagupa nila ang mga tauhan ng Pasig City Police na hiningan ng tulong nina Toshiro at Espiritu kung saan napatay ang isa sa pitong suspekna si John Carlo Atienza at nasugatan naman ang isa pa sa mga suspek na si Bartolome.

Pagkatapos ng engkuwentro, naaresto ang apat na pulis at nakakulong na sa Pasig City Police headquarters habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.

Bella Gamotea