Kinakiligan ng mga netizen ang mga litrato ng komedyante at 'Eat Bulaga' host na si Allan K kasama ang aktor na si Ahron Villena habang nagbabakasyon sa Boracay.

Tanong ng marami, nagkakamabutihan na ba sila?

Panay post kasi si Allan K ng mga larawan nila ni Ahron habang tila enjoy na enjoy sila sa kanilang Boracay trip. Sa isang Instagram post, may caption ito na 'Cheers!' at ang isa pa ay magkatabi sila ni Ahron habang naka-topless ito.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Ahron Villena at Allan K (Larawan mula sa IG/Allan K)

Ahron Villena at Allan K (Larawan mula sa IG/Allan K)

"Bawal daw maligo - nanghuhuli ang coast guard," ayon sa caption ng post.

At ang ikinawindang pa ng mga netizen ay ang litrato kung saan magkatitigan silang dalawa na may caption na 'Last day'. Sa comment section, makikitang nag-komento rito ng tatlong heart emoticon si Ahron.

Ahron Villena at Allan K (Larawan mula sa IG/Allan K)

Bumaha naman ng pangangantyaw sa dalawa, lalo na ang mga Dabarkads ni Allan K kagaya nina Paolo Ballesteros at Kakai Bautista.

Biro ni Paolo, maghintay-hintay lang daw si Allan K sa kaniyang pag-uwi dahil 'papaluin' niya ito.

Ngunit sa isa pang IG post, ibinunyag ni Allan na isa lamang itong prank. Makikita sa video na nagtatawanan ang kaniyang mga kasamang kaibigan.

"And now the reveal- it's a prank!!!! Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone," ayon kay Allan K.

Ahron Villena at Allan K (Larawan mula sa IG/Allan K)

"Safe flight madam @allan_klownz takits sa Manila," wika naman ni Ahron.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Akala namin totoo na! Magsasabi na sana kami ng SANA OL eh!"

"Maligayang-maligaya si Madam A oh! Mabilaukan ka ba naman sa isang Ahron Villena! Char!"

"Haba ng hair ni Allan!"

"Napaghahalataan na sobrang daming tsismosa sa Pilipinas. HAHAHAHAHAHAHAHA. Izza praaaank!"