Iniimbestigahan na ng pulisya ang pamamaslang ng riding-in tandem kay Manila Standard veteran reporter Jesus "Jess" Malabanansa loob ng tindahan nito sa Calbayog City sa Samar nitong Miyerkules ng gabi.

“Jess is a personal friend of mine. This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable. We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime,” pahayag ni Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Si Malabanan, 58, ay dating kasamahan ni Egco sa nasabing pahayagan.

Sa ulat ng Calbayog City Police, bigla na lamang pinagbabaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo si Malabanan habang ito ay nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay San Joaquin, Tinambacan District, dakong 6:30 ng gabi.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Paliwanag ni Egco, nagsasagawa na imbestigasyon ang pulisya sa kaso upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang at motibo nito.

Binanggit sa ulat ng pulisya, matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang mga suspek patungong San Isidro, Northern Samar.

Nangako si Egco na magtutungo sa Samar upang matutukan ang imbestigasyon sa kaso.

Binanggit ni Egco na noong 2017, humingi ng tulong sa PTFoMS si Malabanan at agad itong binigyan ng police security.

Kaugnay nito, umapela rin si Egco sa mga mamamahayag na magsumbong lamang sa kanilang tanggapan kung may banta sa kanilang buhay upang agad na maksyunan sa lalong madaling panahon.

“Always remember that the PTFoMS is here to serve you 24/7. We can provide you with necessary assistance and security if you feel that your lives are being threatened in any way,” sabi pa ng opisyal.