Dahil na rin sa nararanasang pandemya, tuloy pa rin alok ng isang non-government organization (NGO) na libreng dialysis sa mahihirap sa kabila ng pagbatikos ng ilang pulitiko sa bansa.
Paliwanag ng Pitmaster Foundation, nakatuon ang kanilang pansin sa mga nangangailangan ng tulong sa pagpapa-dialysis at sa iba pang problemang may kaugnayan sa kanilang kalusugan.
“Lingid sa kaalaman ng karamihan ay araw-araw may pinapa-dialysis kami ng libre sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May ugnayan kami sa mga ospital at dialysis centers throughout the country at wala ng binabayaran ang mga pasyente,” ayon kay Caroline Cruz, director ng Pitmaster Foundation, kabilang sa sangay ng isang kumpanya na nabigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation para sa online sabong.
Mary Ann Santiago