Ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa kumakalat na balitang pag-iisahin umano ang mga asignaturang Araling Panlipunan (AP) at Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH).
Sa latest Facebook post ng DepEd nitong Sabado, Agosto 8, hindi raw kinakatawan ng kasalukuyang patakaran ng ahensya ang panukalang pagsasanib sa dalawang asignatura na tinawag na Sibika, Sining at Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan (SiKaP).
“Furthermore,” saad ng DepEd, “under the revised K to 10 (MATATAG) Curriculum, Makabansa is a distinct, foundational learning area for Key Stage 1 (Grades 1 to 3)—it is NOT a combination or merger of Araling Panlipunan and MAPEH.”
“Rather, it uses a holistic, transdisciplinary approach to foster self-awareness, cultural appreciation, and civic understanding in young learners,” dugtong pa ng ahensya.
Ayon sa DepEd, sinisimulang ituro ang MAPEH at APsa Grade 4 bilang magkahiwalay at magkaibigang learning areas.
Kaya naman hinimok ng ahensya ang publiko na sanayin ang paggamit ng kritikal na pag-iisip. Gayundin ang pagsusuri sa konteksto at pagbeberipika ng petsa bago magbahagi ng content sa social media.