Hindi makapaniwala ang magkatambal na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala ngayon bilang 'DonBelle' sa bagong titulong ikinakapit sa kanila.

Sila na raw kasi ang 'New Gen Phenomenal Love Team' na puwedeng-puwedeng sumunod sa yapak ng 'KathNiel' nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matapos ang kanilang matagumpay na kilig mini series na 'He's Into Her' na ipinalabas sa online streaming platform na 'iWantTFC' at Netflix, muli na naman silang bibida para sa romantic comedy movie na 'Love Is Color Blind' sa direksyon ni John leo Garcia, at mapapanood sa Disyembre 10.

Para kay Belle, flattering sa pakiramdam na matawag na phenomenal love team ng bagong henerasyon ang kanilang on-screen love team ni Donny. Para naman kay Donny, masaya siya at kinikilabutan kapag naririnig at nakikita ito sa trailer ng kanilang pelikula.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“We’re very grateful, we’ll never get tired of saying that. Sobrang grateful lang kami to be given this trust by everyone. It’s been a journey, a rollercoaster ride, and we went through it together,” pahayag ni Donny.

Marami raw silang pinagdaanan ngunit ang mahalaga, may pelikula sila ni Belle at makapagbibigay na naman sila ng kasiyahan at kilig sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.

Malaki rin ang pasasalamat ni Belle sa mga tagahanga dahil kahit online, ramdam na ramdam nila ang pagsuporta at pagmamahal nila.

Inihahambing tuloy sila sa KathNiel at mukhang sa ganoong direksyon na rin patungo ang kanilang showbiz career. Nakadagdag pa rito ang papuri sa kanila ng actor-writer-director na si John Lapus.

Pero aminado ang dalawa na bagama't masaya sa pakiramdam na masabihang 'next KathNiel level' na sila, nag-iisa lang daw ang KathNiel at hindi nila ito mapapalitan. Pag-iigihan umano nila upang lumapit man lamang sa level ng kasikatan ng KathNiel.

Habang tumatagal umano ang kanilang pagsasama bilang magkatambal, marami umano silang natutuklasan sa isa't isa.

“Mas nakita ko kung gaano siya ka-passionate sa ginagawa niya, kung gaano niya kamahal ‘yung craft niya," bida ni Belle kay Donny.

“This whole lock-in, sobrang challenging. Yet, nakita ko ‘yung similarities niya lalo with Ino, na despite ng mga pinagdadaanan, hindi sila susuko pareho,” dagdag pa niya.

Syempre, binida rin ni Donny si Belle.

“I know this already na sobrang hardworking niya. More and more, I see it. More and more, it’s evident, especially dito sa lock-in na ‘to.

“‘Di ba l, ang dami nating pinagdaanan ng challenges? Sobrang hirap minsan. Nakita ko talaga na there’s nothing that will stop her from learning, and showing what needs to be shown. I learn that more and more every day,” pahayag pa ni Donny.

Bago si Belle, ang naging katambal muna ni Donny ay si Kisses Delavin, na lumipat na sa Kapuso Network.