Nasa 91 na lamang ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos na makapagtala na lamang ng tatlong bagong kaso ng sakit hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Lunes, Disyembre 6.

Sa COVID-19 monitoring report na inilabas ng Manila Health Department (MHD), umaabot na sa 90,351 ang total COVID-19 cases sa Maynila.

Sa naturang bilang, 88,537 na ang gumaling mula sa karamdaman, matapos na madagdagan pa ng 12 bagong recoveries.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Wala namang naitalang bagong pasyente na nasawi sa sakit sa lungsod.

Sa ngayon, nasa 1,723 na ang namatay sa sakit sa lungsod.

Mary Ann Santiago