Natanong ng showbiz writers ang pinakabagong calendar girl ng Ginebra San Miguel Inc. o GSMI na si Chienna Filomeno, kung may galit ba ito sa housemate na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil sa nag-trending na rason nito sa pagno-nominate sa kaniya, para sa 3rd Nomination ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

"Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," pahayag ni Madam Inutz na talaga namang pinag-usapan sa online world, kaya binansagan si Madam na 'Realtalk Queen'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/madam-inutz-2-points-kay-chie-kasi-wala-naman-siyang-maiambag-kundi-pagpapaganda/

Syempre, sa paglabas ni Chie sa Bahay ni Kuya, tiyak na napanood na niya o nabasa na niya ang mga showbiz write ups hinggil dito. Ngunit ayon kay Chie, hindi siya galit kay Madam; sa katunayan, hindi ito nawawala sa listahan niya ng Big Four, o ang apat na matitirang housemates sa pagtatapos ng season 10 para sa celebrity edition.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sa akin kasi like tinanong ako kung sino ang Big 4 ko, siya (Madam Inutz) lang ang hindi natatanggal sa Big 4 ko. As in siya talaga ‘yung Big 4 ko whether narinig ko na ‘yung sinabi niya kasi alam ko kung ano ang na-offer ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Alam ko kung ano ang mga nagawa ko for the housemates, also for myself,” paliwanag niya.

Naiintindihan naman daw niya na sa laki ng Bahay ni Kuya, imposibleng masubaybayan ng isa't isa ang kani-kanilang mga ambag.

Mataas din ang pagtingin niya kay Madam Inutz.

“And si Madam Inutz, she’s a strong, independent woman, a single mom and alam ko lahat ng pinagdaanan niya so that doesn’t change like kung ano ‘yung tingin ko sa kanya kahit narinig ko ‘yun. She’s still one of my Big 4," diretsahang pahayag ni Chie.

Nang lumabas siya ng PBB House at tila unti-unti nang nagbo-bloom ang kaniyang career. Bukod sa pagiging bagong calendar girl ng GSMI, ay kasama rin siya nilulutong teleserye ng Kapamilya Network na 'Love in 40 Days' na pagbibidahan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.