Ibinida sa Instagram ng singer na si Sam Mangubat ang malalapit na kaibigan sa showbiz at kapwa singers na sina Jeremy Glinoga, Lara Maigue, Reiven Umali, at Janine Berdin, nitong Disyembre 3.

Ngunit ang mas pinag-usapan at kinakiligan ay ang litrato ni Janine Berdin na may simpleng caption na 'Favorite person'.

Janine Berdin (Screengrab mula sa IG/Sam Mangubat)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naintriga naman ang mga netizen sa tugon ni Janine sa comment section.

"Hey."

"I love you so much."

Windang na naman ang mga Marites at narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon at komento:

"Hala! Mag-juwah spotted!"

"For real na ba??? If yes, OMG I'm so happy for both of you, pakatatag."

"The origin of love was friendship."

"Okay wala na finish na tapos na po ang pila may nanalo na."

"Waaaaaah for real? Congrats!"

"Siguraduhin mo lang na favorite mo lang siya! Dapat ako lang mahal mo, Sam!"

"Ginalingan naman masyado ni Janine tinapos na ang pila."

"Seryoso??????????"

Sa Instagram naman ni Janine, tila mahahanap ang sagot sa tanong ng mga netizen. Sa isa sa mga IG post niya, tinawag niyang 'kuya' si Sam; nangangahulugang magkaibigan lamang ang 31 years old na si Sam at si Janine naman ay 19. Maaaring nakatatandang kapatid o kaibigan ang tingin ni Janine kay Sam, na 'ika nga ng mga taga-showbiz ay mahirap masumpungan.

"Constantly trying to prove myself to myself," caption ni Janine sa November 21 post niya. Sa likod niya ay napapalibutan siya ng mga halaman.

Nagkomento naman dito si Sam, "Queen of the plants."

Agad din namang nag-reply si Janine, "@sammangubat I love & miss you Kuya Sam. huuuuuuggggg plllleeeaaasssseee."

Janine Berdin (Screengrab mula sa IG/Janine Berdin)

Parehong nagmula sa 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime sina Sam at Janine sa magkaibang season. First runner up si Sam sa first season ng TNT habang Grand Winner naman si Janine sa second season.

Pareho na rin silang nagkaroon ng singing career at madalas ay nagkakasama sila sa production number sa noontime show na 'ASAP Natin 'To' tuwing Linggo ng tanghali.

Samantala, wala pa namang komento o pahayag si Janine o Sam tungkol dito.