Emosyonal na ibinahagi ni Viy Cortez sa isang vlog ang kanilang muling pagbubuntis ng kapwa Youtube star na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong TV.

Sa pinakabagong content ni Viy nitong gabi ng Huwebes, isang espesyal na balita ang inihatid nito sa kanyang higit limang milyong subscribers.

Pinamagatang “PLASWAN,” emosyonal na ibinahagi ni Viy sa kanyang vlog ang kanyang dalawang pregnancy tests na parehong nagsabing siya’y nagdadalang-tao.

Mapapanuod din sa vlog ang hindi naitagong tuwa ng kanyang partner na si Cong TV nang ibunyag ni Viy ang good news.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

PLASWAN via Viy Cortez Youtube Channel

Matatandaang nakunan ang couple vlogger noong Disyembre 2020.

Sa pagkonsulta sa doktor, kumpirmadong anim na linggong buntis si Viy at mayroon na ngang heartbeat ang sinapupunan nito.

Ibinahagi rin ng Youtube couple ang pagbubunyag ng balita sa kani-kanilang mga magulang.

Nakilala si Viy at Cong sa kanilang kwelang mga Youtube content. Kabilang din sa grupong Team Payaman sina Pat Velasquez, Junnie Boy, Boss Keng bukod sa iba pa.