Kabogera ang kandidata ng Pilipinas na si Samantha Alexandra Panlilio sa naganap na preliminary competition ng Miss Grand International 2021 nitong gabi ng Huwebes, Dis. 3.

Kaliwa’t kanang papuri nga ang natanggap ni Samantha sa ilang online pageant community matapos ang ipinakitang pag-awra sa preliminary round ng Thailand-based beauty pageant.

Suot ang cape gown na obra ng Pinoy designer na si Rian Fernandez, standout si Samantha sa evening gown na inspired sa “seafaring vessel” ng Pilipinas.

Kasabay ng eleganteng lakad at postura ni Samantha, nag-transform pa ang gown ng kandidata sa gitna ng presentation kung saan mayroon pang nakakabit na kapa sa naturang gown na binigyan ng pasabog reveal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Miss Grand International 2021 l “Preliminary” Competition via GrandTV Youtube Channel

Gawa sa Carribean Blue opal rhinestones, glass beads at oversized Swarovski crsytals ang eleganteng gown ni Samantha.

“This piece is a perfect way to reawaken Filipino pride in a forgotten heritage of the ancient Filipino ingenuity,” ani Fernandez sa kanyang obra.

Samantala, reynang-reyna rin si Samantha sa preliminary swimsuit round ng kompetisyon.

Nag-uumapaw ang kumpiyansa ng Pinay nang lumabas ang kanilang set para sa swimsuit category.

Suot ang isang one-piece na may iba’t ibang shade ng blue, sexy, confident at playful si Samantha dahilan para lumitaw ang karisma nito sa kanyang presentation.

Umaarangkada rin sa fan votes si Samantha matapos mapasama sa Top 5 Best in Swimsuit round via fan vote.

Si Samantha na kaya ang mag-uuwi sa mailap na golden crown para sa Pilipinas?

Nakatakdang ganapin ang finale ng Miss Grand International 2021 ngayong Biyernes ng gabi, Dis. 4 sa Bangkok, Thailand na mapapanuod ng buong mundo sa "GrandTV" Youtube channel.