Isinusulong ngayon ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor ang pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga road tollway fees para sa 1.5 milyong persons with disabilities (PWDs) sa bansa.
Sa pagbabayad para sa mga tollway na kinokolekta ng iba’t ibang skyway at expressway sa bansa na hindi sakop ng kasalukuyang diskwentong tinatamasa ng mga matatanda, sinabi ni Defensor na sa halos na mabigat na halaga n toll fees, panahon na para masakop ito.
Inihain ni Defensor ang House Bill (HB) 10558 sa pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.
Ang Disyembre 3 bawat taon ay inaalala ng buong mundo upang itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga indibidwal na may pangmatagalang pisikal, mental, intektuwal o sensory impairments.
Ang HB 10558, tatangkilikin ng mga PWD ang parehong 20 percent na discount privilege para sa pagbabayad ng mga toll fee sa paggamit ng mga skyway at expressway sa buong bansa. Ang panukalang batas ay nagsasaad na ang diskwento ay ibabawas na sa tuwing amg nga nakatatanda ay nagpa-transcat ng mga prepard toll fees sa pamamagitan ng mga radio frequency identification device (RFIDs) o mga katulad na aparato na kasalukuyang sinusunod sa lahat ng mga pangunahing tollway at expressway.
Imunungkahi ni Defensor na sa pag-avail ng discount, ang mga sasakyang gumagamit ng skyway at expressway ay kailangang nakarehistro sa pangalan ng PWD, na magpapakita at magsusumite ng kopya ng kanyang PWD ID card sa tollway operator kapag nag-apply para sa RFID tag.
“Our measure, once enacted, will give greater meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the needs of vulnerable Filipinos,”sabi ni Defensor.
Inaatasan ng HB 10558 ang Toll Regulatory Board ng Department of Transportation na maglabas ng mga implementing rules para ipatupad ang diskwento.
Ang panukalang batas ay naglalayong amyendahan ang Magna Cartaofr Disabled Persons na nagbibigay sa kanila ng malawak na hanay ng mga benepisyo at pribilehiyo, kabilang na ang 20 percent discount at exemption mula sa value-added tax sa pagbebenta ng ilang product at serbisyo.
Sa kasalukuyang, natatamasa ng PWDs ang 20 percent discount sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan kabilang na ang pagsakay sa light rail transit (LRT).
Ben Rosario